Description
Si Ming P. Liang, isa sa mga tagapagtatag ng Monkey Museum, ay isang taong may kapansanang Poliomyelitis. Ipinanganak noong panahon ng digmaang sibil sa Saigon, Vietnam. Bandang dulo ng dekada ng 1970, tumakas siya sa pang-aapi ng gobyerno at dumayo sa Estados Unidos sa pag-asang magkaroon ng mas magandang buhay. Sa kabila ng kanyang kapansanan, tumanggap siya ng iba’t ibang uri ng trabaho mula sa paghuhugas ng pinggan, post-office subdivision, imbestigador, sales staff, multilevel marketing, at kinatawan ng sensus. Sa kasalukuyan, bukod sa pamamahala sa Monkey Museum, siya rin ay nagpapatakbo ng mga negosyong partikular sa mga produktong para sa pangangalaga ng kalusugan, at mga produktong pambahay. Siya rin ay naninilbihan bilang isang senior advisor para sa Chinese-America Disability Livings Today, isang non-profit organization na naglalayong tulungan ang mga taong may kapansanan. Pinakahuli, natutuwa siyang makipagkilala sa mga tao sa kanyang pagmamaneho ng Uber at Lyft.
Isang kolektor ng Monkey(“Unggoy”) memorabilia sa loob ng 38 taon/nakaraang 38 taon. Ang kanyang koleksyon ay isang pagpapatunay sa kanyang pagiging matiyaga, pagnanais para sa mga bagong karanasan, at pagmamahal sa paglalakbay.
“Ang bawat produkto ay sumisimbolo sa isang natatanging personal na karanasan, pati na rin bilang isang paalala na huwag kailanman balewalain ang buhay at huwag kang titigil na magsikap para maabot ang iyong mga pangarap.”
Si Ming ay kasalukuyang abala sa pagbubukas ng isang museo para makapagpalawig ng kaalaman at magkaroon ng pondo para sa pangangalaga sa wildlife o mga hayop. Simula nang mabuo ang Monkey Museum noong 2015, siya ay nakipag-ugnayan sa napakaraming sponsors at nakatanggap ng donasyon mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Malugod niyang tinatanggap at ninanais na makilala ang lahat ng indibidwal na interesado sa kanyang proyekto.
Reviews
There are no reviews yet.